52%
Ng agrikultural na lupa ay mababa na ang kalidad
Bakit Sasagipin ang Lupa?
Ang Sagipin ang Lupa ay isang pandaigdigang kilusan na inilunsad ni Sadhguru upang tugunan ang krisis sa lupa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tao mula sa buong mundo upang manindigan para sa Kalusugan ng Lupa, at pagsuporta sa mga pinuno ng lahat ng mga bansa na magsagawa ng mga pambansang patakaran at aksyon tungo sa pagtaas ng organikong nilalaman ng Lupang sinasaka.
Save Soil Message
Ang kilusang Sagipin ang Lupa ay sinimulan ni Sadhguru, isang yogi, mistiko at bisyonaryo.
Ang Krisis
Nagiging buhangin ang lupa dahil sa kakulangan ng organikong nilalaman, humahantong sa
Krisis sa Pagkain
Sa 20 taon, inaasahang mababawasan ng 40% ang produksyon ng pagkain para sa 9.3 bilyong tao.
Ang mahinang lupa ay humahantong sa hindi magandang nutrisyunal na halaga. Ang mga prutas at gulay ngayon ay naglalaman na lamang 90% na mas kaunting sustansya.
2 bilyong katao ang nagdurusa ng kakulangan sa nutrisyon na humahantong sa maraming sakit.
Kakulangan sa Tubig
Ang mga natutuyot na lupa ay hindi kayang sipsipin at kontrolahin ang daloy ng tubig.
Ang kakulangan sa kakayahang mag-ipon ng tubig ay humahantong sa kakulangan sa tubig, tagtuyot at pagbaha.
Ang organikong bagay ay maaaring humawak ng hanggang 90% ng timbang nito sa tubig at dahan-dahan itong nailalabas sa paglipas ng panahon. Malaking tulong ito sa mga lugar na may tagtuyot.
Kawalan ng Saribuhay (biodiversity)
Sinasabi ng mga siyentipiko na 27000 uri ng buhay ang nawawala kada taon dahil sa pagkawala ng tirahan.
Ang krisis ay umabot na sa punto na 80% ng biomass ng mga insekto ay nawala na.
Ang pagkawala ng biodiversity ay higit na nakakagambala sa lupa bilang tirahan at pinipigilan ang pagbabagong-buhay ng lupa.
Pagbabago ng Klima
Ang carbon na nakaimbak sa lupa ay 3x kaysa sa buhay na mga halaman, at 2x na nasa atmospera, na nangangahulugang ang lupa ay mahalaga para sa pagsamsam ng carbon.
Kung ang mga lupa sa mundo ay hindi muling bubuhayin, maaari silang maglabas ng 850 bilyong tonelada ng carbon dioxide sa atmospera na nag-aambag sa pagbabago ng klima. Ito ay higit pa sa lahat ng mga emisyon ng sangkatauhan sa huling 30 taon na pinagsama-sama.
Kawalan ng Kabuhayan
Libu-libong magsasaka ang nagpapakamatay dahil sa pagkaubos ng lupa.
74% ng mahihirap ay direktang apektado ng pagkasira ng lupa sa buong mundo.
Tinataya na ang halagang nawawala sa mundo dahil sa pagkalipol ng lupa ay nasa US$10.6 trilyon kada taon.
Labanan at Migrasyon
Ang paglaki ng populasyon, at ang kakulangan sa pagkain at tubig ay maaaring maging sanhi ng mahigit 1 bilyon na lumipat sa ibang mga rehiyon at bansa pagsapit ng 2050.
Malaki ang naging papel ng mga isyu sa lupa sa mahigit 90% ng mga pangunahing digmaan at away sa Africa mula noong 1990.
Mula sa Rebolusyong Pranses hanggang sa Arab Spring, ang matataas na presyo ng pagkain ay binabanggit bilang kadahilanan sa likod ng mga malawakang kilos protesta.
Buhay na Lupa
Ang Solusyon
Ibalik ang hindi bababa sa 3-6% na organikong nilalaman ng lupa
Sa pamamagitan ng paglilim sa lupa sa mga halaman at pagpapayaman nito gamit ang basura ng halaman at ng mga hayop.
Ang mayabong at buhay na lupa ay mahalaga sa buhay.
Ang Plano
Kalusugan ng Lupa
kailangan ng mga patakarang sumusuporta sa bawat bansaMga Patakaran
kailangan ng suporta ng mga taoSuporta ng mga tao
kailangan ng kamulatanBakit mahalaga ang patakaran o polisiya?
Matuto ng higit pa
Ang Kilos
Dalhin ang mensahe sa 3.5 bilyong tao,
60% ng botante sa mundo
Isang Paglalakbay Para Sagipin ang Lupa
Si Sadhguru ay maglalakbay upang makipagpulong sa mga mamamayan, mga pinuno at mga eksperto, mag-isang magmomotor, tatahakin ang 30,000km sa 25 bansa mula sa United Kingdom hanggang India sa loob ng 100 araw.
Mga darating na Kaganapan
Sadhguru in Muscat - Oman Convention and Exhibition Centre,
Wed, May 25 19:00 - 21:00 GST
Makinig sa mga boses na sumusuporta
Libo-libong kilalang tao at organisasyon ang nagkakaisa para sa karaniwang layunin na maibalik ang kalusugan ng lupa.
Mga Organisasyong Sumusuporta
Ano ang maaari kong gawin?
Maging boses para sa lupa!
Gawin na pag-usapan ng mundo ang lupa sa anumang paraan ang kaya mo.
Sa Media
#SagipinangLupa
GAWIN NATING MANGYARI ITO!